
Pageant fans at aficionados na gustong manalo ulit ang bansa sa isang international pageant ay maaring makatulong sa isa pang representative ng Pilipinas sa isang international pageant.
Nanawagan ang The Miss Philippines organization sa Filipino pageant fans and followers na panoorin ang introduction video ni Miss Supranational Philippines Katrina Llegado sa Miss and Mister Suprantional YouTube channel. Sa caption ng Instagram post, idiniin ng organization na maaaring makatulong ito kay Katrina sa pamamagitan ng YouTube Influencer opportunity.
Napanalunan ni Katrina ang korona ng Miss Supranational Philippines noong 2025, kung saan na panalunan ni Sparkle artist Ahtisa Manalo ang korona ng Miss Universe Philippines.
Pagkatapos niyang manalo, siniguro ni Katrina na pasalamatan ang kanyang “core”, o ang mga taong naniwala sa kanya at hindi tumigil sa pagsuporta sa kanya. Sa caption, sinulat ni Katrina na “forever grateful” siya at ang panalo ay “ours.”
Hindi lamang si Katrina ang Pilipinong sasabak sa isang Supranational pageant ngayong taon. Kamakailan lamang ay naglabas ang Mister Pilipinas Worldwide organization ng panawagan para sa boto para kay Felipe Marasigan, ang Mister Supranational representative ng bansa ngayong taon.
Ibinagi ng organization sa isang Instagram post ang instructions kung paano bumoto para kay Felipe sa Supra Chat series ng pageant. Kung manalo sa botohan si Felipe, maaari siyang makapasok sa top 20 ng Mister Supranational 2026.
RELATED CONTENT: Here are your 2026 Mister Pilipinas Worldwide winners
Isa si Felipe Marasigan sa 11 winners na pinangalanan noong Mister Pilipinas Worldwide finals night na ginanap noong April 15 sa Bigger Pictures sa Mandaluyong City. Ang iba pang mga nanalo ay sina Mister Pilipinas Manhunt Supermodel 2026 JP Gundayao, Mister Pilipinas International 2026 John Wayne Alba, Mister Pilipinas Global 2026 MJ Ordillano, Mister Pilipinas Eco International 2026 Godfrey Murillo, Mister Pilipinas Cosmopolitan 2026 John Bonifacio, Mister Pilipinas Worldwide 2026 Jason Lopez, at Mister Pilipinas 2026 Enzo Bonoan. Ang mga runner up naman ay sila first runner-up Zach Russell, second runner-up Gian Guidicelli, at third runner-up Cas Villones.