
Mas tumitindi na ang mga eksena sa action suspense drama series na The Missing Husband.
Labis nang nahihiwagaan si Anton (Rocco Nacino) sa mga ikinikilos at mga salita ni Ria (Sophie Albert).
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagsisinungaling ni Ria kay Anton.
Sa bagong episode ng serye na ipapalabas ngayong Martes, November 21, matutunghayan na mabubunyag ang isa sa mga sikreto ni Ria.
Hindi niya inaasahan na madidiskubre mismo ni Anton na hindi siya totoong nagdadalang-tao.
Kasunod nito, tila mapapaisip si Anton tungkol kay Millie (Yasmien Kurdi) at sa mga sinasabi nito sa kanya noon tungkol sa tunay niyang pagkatao.
May magawa pa kaya sina Ria at Joed (Jak Roberto) upang pigilan ang pagkakaayos nina Anton at Millie?
Makabalik na kaya si Anton sa dati niyang buhay kasama ang kanyang tunay na pamilya?
Silipin ang ilang eksenang mapapanood mamaya sa video na ito:
Huwag palampasin ang susunod na mga tagpo sa bagong seryeng handog ng GMA.
Patuloy na subaybayan ang kwento ng The Missing Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
Samantala, mga Dramarites, may chance kayong maging #FeelingBlessed ngayong holiday season.
Sumali sa GMA Afternoon Prime Dramarites Challenge para magkaroon ng pagkakataong manalo ng P5,000 daily at P50,000 sa grand raffle.
Tumutok lang sa Abot-Kamay Na Pangarap, Stolen Life, at The Missing Husband, mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. hanggang 5:00 p.m.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang www.gmanetwork.com/DramaritesChallenge.