
Nito lamang Biyernes, December 15, 2023, napanood ang finale episode ng GMA action suspense drama series na The Missing Husband.
Kasunod ng pagtatapos nito, ilang cast ng serye ang nagpaabot ng kanilang pasasalamat sa lahat ng sumubaybay sa kanilang programa.
Sa isa sa Instagram posts ng isa sa lead stars nito na si Yasmien Kurdi, ibinahagi niya ang nangyari sa kanyang karakter na si Millie at role ni Rocco Nacino na si Anton.
Sulat ni Yasmien sa kanyang caption, “Happy ending naman pala para keli Millie at Anton [heart emoji].”
Sinundan pa niya ito ng pasasalamat sa viewers, “Maraming Salamat mga Kapuso sa panonood! #GMAAfternoonPrime #TheMissingHusband #MillieRosales #SigningOff.”
Bukod sa award-winning Kapuso actress, may post din ang co-star ng una na si Michael Flores tungkol sa pagtatapos ng kanilang programa.
Samantala, kabi-kabilang intense scenes ang itinampok at natunghayan ng mga manonood sa naturang afternoon series.
Maraming Salamat sa pagtutok sa The Missing Husband.