
Malapit nang mapanood ang intense na mga eksena sa pagitan ng ilang karakter sa action suspense drama series na The Missing Husband.
Sa previous episodes ng serye, natunghayan kung paano nagkasundo ang mga karakter nina Rocco Nacino at Joross Gamboa na sina Anton at Brendan.
Dahil sa mabubulaklak na mga salita, mga mamahaling bagay, at iba pa, labis na ibinigay ni Anton ang kanyang tiwala sa kanyang kaibigan.
Sa katunayan nga, napapirma na ni Brendan si Anton sa isang dokumento tungkol sa isang investment scheme.
Sa bagong episode ng serye na mapapanood ngayong Martes, September 5, pati ang ate ni Anton na si Leila (Max Eigenmann) ay mae-engganyong isugal din ang kanyang pera sa investment scheme.
Bukod kay Leila, ilang indibidwal din ang mahihikayat na maglabas ng pera sa paniniwalang magiging doble o triple ang kanilang magiging kita.
Kabilang na rito si Nick, ang karakter ni Mark Herras sa serye.
Ito na kaya ang sagot sa inaasam nilang pag-unlad ng kanilang pamumuhay o ito ang sisira sa kanilang mga pangarap?
Sinu-sino kaya ang mabibiktima ni Brendan?
Silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Martes ng hapon sa video na ito:
Bukod kina Rocco at Joross, kabilang din sa serye sina Yasmien Kurdi, Jak Roberto, Sophie Albert, Nadine Samonte, Max Eigenmann, Shamaine Buencamino, Cai Cortez, at marami pang iba.
Huwag palampasin ang susunod na mga tagpo sa bagong seryeng handog ng GMA.
Patuloy na subaybayan ang kwento ng The Missing Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.