What's Hot

The Mother-Daughter Team to Watch

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 6, 2020 4:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Korean stars Kim Myung Soo, Choi Bo Min named PH tourism ambassadors
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News



Isa si Ms. Jean Garcia sa pinaka-magaling na actresses natin ngayon. Kaya no wonder na ang anak nitong si Jennica Garcia ay mahusay din palang umarte.
Isa sa pinaka-magaling na kontrabida sa Philippine television si Ms. Jean Garcia. Kaya naman hindi nagtaka ang mga tao nang pumasok na din sa show business ang kanyang panganay na anak na si Jennica Garcia. Proving that she is indeed her mother’s daughter, Jennica is also now making waves in the business. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Connie M. Tungul. Second time na pagsasama ng mag-inang Jean at Jennica Garcia sa pinaka-bagong primetime offering ng GMA, ang Carlo J. Caparas classic, Gagambino. Excited ang dalawa sa kanilang muling pagsasama at talagang pinag-usapan nila ang kanilang gagawin sa kanilang unang eksena. A serious scene As if testing their professionalism as actresses, ang unang scene ng mag-ina ay isang seryosong eksena, kung saan mararanasan ni Jennica for the first time in reel at real life na masaktan ng kanyang ina. stars“Excited ako at saka dapat nilang abangan ‘yan dahil sa fourth week, mararanasan kong masabunutan at masaktan ng nanay ko,” sabi ni Jennica. “Gagamitin ko siya against Dennis (Trillo) kasi kapatid siya ni Dennis dito. As is salbahe ako sa kanya at sinasaktan ko siya. Sabi ko nga noong nabasa ko 'yung script, as in nakakaloka naman, minsan lang kami magka-eksena ng anak ko [tapos] sinasaktan ko pa siya,” kuwento naman ni Jean, na siyang main kontrabida ng Gagambino. Dinagdag pa ni Jean na it would be a real challenge for both of them, kasi never niyang nasaktan ang anak niya. “Never, maski noong maliit sya. Never nakatikim ng palo ang mga anak ko, kasi I believe ang kamay ginagamit pang-caress, pang-pat ng shoulder. Ayaw kong ituro sa kanila na ang kamay ginagamit para makasakit. It’s pang-support, pang-lambing, pang-patch, so never talaga,” pag-amin ni Jean sa iGMA. Kaya naman excited na excited ang dalawa at pinag-usapan nilang mabuti kung paano nila gagawin ang eksena. “Nate-tense talaga ako, kasi balita ko ang nanay ko nanto-totoo, 'yung tunay siya, as in hindi nya mapigilan [ang galit]. Kapag pinigilan niya, masagwa lumalabas [ang eksena]. Sana lang maalala niya na anak niya ako!” biro ni Jennica. Ano man ang resulta ng eksena ng mag-ina, we are sure na magiging maganda at makototohanan ang kalalabasan nito. Truly, Jean and Jennica Garcia is the mother and daughter tandem to watch. Panoorin ang Gagambino weeknights sa Primetime Telebabad block ng GMA. Get in touch with Jean and Jennica via Fanatxt. Text JEAN/JENNICA [your message] and sent it to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusively for the Philippines only.)