
Starting the year right and peg ng The One That Got Away co-stars na sina Rhian Ramos at Ivan Dorschner.
Ibinahagi ni Rhian sa kanyang Instagram account and isang maikling video kung saan makikitang lupaypay sila matapos ang isang intense workout.
"We survived," ani Rhian.
"I don't know if we can call it surviving," sagot naman ni Ivan.
Bukod sa pag-e-ehersisyo, nakakilala pa sila ng mga bagong kaibigan dahil kasama rin nila sa workout sina Lauren Reid, Marc Nelson at iba pang models.
Sakto naman na kailangang i-maintain nina Rhian at Ivan ang kanilang fit na katawan dahil sa kanilang upcoming sexy romcom na The One That Got Away.
Magsisimula ito sa January 15 pagkatapos ng Kambal Karibal sa GMA Telebabad.