
Patok na comedy films ang hatid ngayong linggo ng digital movie channel na I Heart Movies.
Kabilang diyan ang box-office hit na The Panti Sisters mula sa award-winning director na si Jun Lana.
Pinagbidahan ito nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, at Christian Bables at gaganap sila dito bilang magkakapatid na bakla.
Ipapatawag sila ng kanilang estranged at terminally-ill na ama para alukin ng malaking halaga bilang mana.
Pero ang kapalit nito, kailangan nilang mabigyan siya ng apo bago siya pumanaw.
Paano ito magagawa ng magkakapatid? Abangan ang The Panti Sisters, February 7, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Tuloy ang tawanan sa comedy film na My Illegal Wife na pinagbidahan ni actress and comedienne Pokwang.
Gaganap siya rito bilang Clarise, isang OFW sa Japan. Nais niyang magkaroon ng asawa para tumayong ama sa kanyang mga anak.
Habang pauwi sa Pilipinas mula Japan, magka-crash ang eroplanong sinasakyan ni Clarise!
Pero tila naging blessing pa ito sa kanya dahil ito ang magbibigay ng pagkakataon para matupad ang matagal na niyang inaasam.
Sila lang kasi ni Henry, played by hunk actor Zanjoe Marudo, ang magiging survivor ng crash at mapapadpad sila sa isang deserted island.
Magkakaroon ng amensia si Henry kaya papaniwalain siya ni Clarise na mag-asawa sila. Nang ma-rescue ang dalawa, ipapakilala ni Clarise si Henry sa kanyang pamilya.
Matututunan bang mahalin ni Henry si Clarise? Anong mangyayari kung mabawi ni Henry ang kanyang mga alaala at mabuking ang mga kasinungalingan ni Clarise?
Alamin 'yan sa My Illegal Wife, February 8, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.