Article Inside Page
Showbiz News
Prince Stefan is a passionate young man, at hindi lang sa acting. He's also very much into singing, and as his fans know, sa fashion din!
Prince Stefan is a passionate young man, at hindi lang sa acting. He's also very much into singing, and as his fans know, sa fashion din! Know more about Prince sa article na 'to. Text by Jason John S. Lim; interview with Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.
Nang sumali si
Prince Stefan ng
StarStruck, singing talaga ang panlaban niya. Kaya naman marami ang nagtataka kung bakit bukod sa acting, sa sayawan nila napapanood si Prince.

"Hindi ako dancer pero pinipilit nila akong magsayaw," natatawang sagot sa amin ni Prince nang tanungin namin siya tungkol dito. "Kaya lagi akong nahuhuli kela
Mark Herras, kasi dancer naman talaga sila, 'di ba?"
Ang wish ni Prince ngayon ay ang mabigyan siyang muli ng chance na kumanta—kahit sa
SOP man lang. "Kasi kumakanta naman talaga ako, 'di ba? Kahit sa
SOP kumanta ako, para malaman ng mga tao, 'Ay, kumakanta pala si Prince.'"
While his singing in not garnering any applauses yet, itinuon muna ni Prince ang kanyang passion sa ibang bagay ngayon—to something na talagang nakikita ng mga tao: ang kanyang fashion sense.
Just look at the photo na kasama ng article nito—that's all Prince.
"Complimentary naman ang black sa yellow and white," explain sa amin ni Prince about his outfit. "Para mas young [ang dating], nilagyan ko ng yellow."
He also explains na may jacket rin siya, which you can't see sa photo, na walang hood: "'Yung [suot lagi] ni Chris Brown, maliit lang 'yung kwelyo tapos nakataas lang siya." To make the comparison more local, he brings up
Richard Gutierrez. "'Yung mga ginagamit ni Richard na jacket—'yun 'yung mga uso ngayon."
Inamin ni Prince that during his free time, he surfs Internet para mag-research sa latest fashion trends for guys. And during his non-free time naman, naging very busy siya sa
Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.
"Marami pa silang dapat abangan sa
Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang," he tells iGMA. Specifically, he's talking about 'yung side story nila ni
Lovi Poe. "Abangan nila kung mas pipiliin ni Lovi si Aris [his character] kumpara kay Jason [portrayed by Kevin Santos]. Abangan nila 'yun."
He says that Hera [the mother of his character, portrayed by Carmi Martin] will continue to antagonize his relationship with Lovi: "Kasi mahirap lang si Lovi, kaya mas gusto ng nanay ko na magpari na lang ako."
He explains na nagpa-parallel ang story nila sa story nina
Dingdong Dantes at
Marian Rivera.
"Kasi mahirap lang din si Proserfina, kaya ayun, ayaw din sa kanya ni Mama Hera," dagdag niya.
Pero natanggap na ni Hera si Proserfina. The question is, will she do the same with Lovi's Athena? Malalaman na natin 'yan this week. Kaya tutukan na natin ang
Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Monday to Friday, only on GMA Telebabad.
At marami pang kwento si Prince! Be updated sa mga pinagkakaabalahan niya through Fanatxt!
Just text PRINCE and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)