GMA Logo The Penthouse 2
What's Hot

The Penthouse 2, abangan sa GMA 7

By EJ Chua
Published August 24, 2021 9:36 AM PHT
Updated August 24, 2021 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

The Penthouse 2


Ilang Kapuso ang nabitin sa istorya ng most-talked about K-drama na 'The Penthouse,' kaya naman abangan ang bago nitong kabanata na malapit nang mapanuod sa GMA 7.

Isa sa mga seryeng pinagkakaguluhan ngayon sa Korea ang The Penthouse.

Nito lamang Abril, napanood ng ating mga Kapuso ang award-winning stars na bumida sa most-talked about Korean drama series.

Umiikot ang istorya ng The Penthouse sa buhay ng mayayamang indibidwal at pamilya na nakatira sa 100-story luxury apartment na tinatawag nilang Hera Palace.

Sa kabuuan istorya ito ng pangarap, pagmamahal sa anak, pakikipagkumpetensya sa negosyo at pati na rin sa pag-ibig.

Istorya rin ito ng mga magulang at anak na ginagawa ang lahat upang makapasok sa prestihiyosong school for arts, ang Cheong-ah Arts School.

Una nang nakilala sa Season 1 ang ilang award-winning actors na bumibida sa The Penthouse na sina Um Ki Joon bilang Dante at Yoon Jong-hoon bilang Anton.

Marami ring mga Kapuso ang humanga sa husay sa pag-arte ng Korean actresses na sina Lee Ji-ah bilang Simone, Eugene bilang Cindy at Kim So-yeon bilang Scarlet.

Nasaksihan ng mga Kapuso sa unang kabanata ang ilang problemang kinaharap ng mga residente ng Hera Palace dahil sa misteryosong pagkamatay ng dalagang si Anna sa loob mismo ng luxury building.

Napanood rin ang ilang matitinding eksena sa pagitan ng mga magulang na gumawa ng sari-sariling paraan para protektahan ang kani-kanilang mga reputasyon at matupad ang pangarap para sa kanilang mga anak.

Nakilala rin ng ating mga Kapuso ang mga mahuhusay na teen actors and actresses na gumanap bilang mga anak.

Sila ay sina Kim Hyun-soo na gumanap bilang Rona, Choi Ye-bin bilang Camille, Kim Young-dae bilang Spencer, Han Ji Hyun bilang Stephanie, Jin Ji Hee bilang Jenny at Lee Tae-vin bilang Michael.

Matapos ang season na ipinalabas ng GMA Heart of Asia, mapupunan na ang pagkabitin ng ilang Kapuso sa istorya ng The Penthouse.

Sa darating na August 30, mapapanood na ang panibagong season ng The Penthouse sa GMA-7.

Mapapanood ng ating mga Kapuso ang mas matinding mga kaganapan sa buhay nila Dante, kanyang mga katunggali, kasabwat at mga kasama sa loob at labas ng Hera Palace.

Kaabang-abang rin kung paano mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Anna at kung sinu-sino ang magtutulungan para sa inaasam nilang mga kasagutan at katarungan.

Hanggang saan kaya aabot ang kanilang mga ambisyon at ano pa kaya ang mga kaya nilang gawin para manatili sa tuktok at maprotektahan ang kanilang mga interes at mga kayamanan?

Abangan ang The Penthouse 2 sa GMA Telebabad.