GMA Logo The Penthouse 3
What's Hot

The Penthouse 3: Ang mga kabayaran sa bawat kasalanan | Week 4 Recap

By EJ Chua
Published March 7, 2022 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

The Penthouse 3


Ano nga ba ang mga kapana-panabik na nangyari sa ikaapat na linggo ng 'The Penthouse 3'? Alamin dito:

Sa ikaapat na linggo ng The Penthouse 3, napanood ng mga Kapuso kung paano unti-unting nawalan ng kapangyarihan ang sakim at walang pusong businessman na si Dante.

Naging mainit din ang mga eksena nang magkaharap sina Scarlet at Dante, ang dalawang taong dating magkakampi ngunit matinding magkaaway na ngayon.

Scarlet vs Dante

Dahil naman sa sunud-sunod na pagkabunyag ng matitinding sikreto ni Dante, unti-unti na siyang nawalan ng kapangyarihan.

Nakatakas man siya sa mga pulis, hindi inaasahan ni Dante na babagsak siya sa isang mental institution kung saan siya lihim na ipinakulong ng itinuring niyang anak na si Stephanie.

Dante vs Everyone

Habang nagdurusa si Dante, isinagawa na rin ni Simone ang mga plano niya para kay Scarlet, ang ina ni Camille na sangkot sa pagkamatay ni Cindy.

Dante and Scarlet deserve punishments!

Nang unti-unting mawalan ng kayamanan at kapangyarihan, tila nawala na sa katinuan si Scarlet at nawalan na rin ng direksyon ang kanyang buhay.

Scarlet's struggling life

Makakabalik pa kaya sina Dante at Scarlet sa dati nilang buhay?

Huwag palampasin ang mga susunod na tagpo sa The Penthouse 3, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang cast ng 'The Penthouse 3' sa gallery na ito: