
Sa ikalawang linggo ng The Penthouse 3, nagsimula nang kumilos ang mga taong gustong maghiganti kay Dante.
Nang malaman na nakalaya na si Dante, isa-isa nang nagpakitang muli ang mga taong parte ng mapait na nakaraan ng sakim at walang pusong businessman na si Dante.
Isa sa mga ito ay ang asawa ni Marie at ama ni Jenny na si Philip.
Si Philip ang lalaking nabilanggo at umako sa mga kasalanan noon ni Dante.
Dante vs Philip
Kasunod nito ay ang pagbabalik naman ni Joaquin, ang itinuring na kapatid ni Dante noon matapos mamatay ang kanyang tunay na pamilya.
Dante vs Joaquin
Kung magulo ngayon ang buhay ni Dante, mas magiging magulo naman ang buhay ng mag-ina na sina Scarlet at Camille.
Sa muling pagbangon ni Rona, buo ang kanyang loob na maabot ang mga pangarap niya at ng kanyang ina na si Cindy.
Rona vs Camille
Sa mas tumitinding mga eksena, sinu-sino kaya ang magtatagumpay sa kani-kanilang mga laban sa buhay?
Huwag palampasin ang mga susunod na tagpo sa The Penthouse 3, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang 'The Penthouse' actress na si Kim So Yeon sa gallery na ito: