GMA Logo The Penthouse 3
What's Hot

The Penthouse 3: Justice and Success | The Finale

By EJ Chua
Published March 11, 2022 10:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

The Penthouse 3


Abangan ang mga huling tagpo sa 'The Penthouse 3' ngayong gabi!

Sa pagtatapos ng The Penthouse 3, unti-unti nang mararamdaman ang katahimikan sa buhay ng mga taong inapi, nasaktan at nawalan ng mga mahal nila buhay.

Isa-isa na rin silang babangon para sa panibagong simula. Tulad na lamang ng dalagang si Rona, ang anak ni Cindy na nangangarap maging isang sikat na mang-aawit.

Dahil malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Camille, tila hindi na niya kayang abutin ang pangarap niya at ng kanyang ina na si Scarlet.

Kaya naman mas malaki na ang posibilidad na maging matagumpay si Rona sa larangan ng musika dahil na rin sa paghinto ng pinakamatindi niyang kalaban.

Ang nasirang mga buhay ay tila magbabalik na rin sa dati at malalagay na rin sa mas maayos na sitwasyon.

Sinu-sino kaya ang tunay na makakapagkamit ng hustisya at tagumpay?

Tuluyan na nga bang mawawakasan ang labanan para sa pangarap, pag-ibig, pamilya, kapangyarihan, at kayamanan?

Huwag palampasin ang mga huling eksena sa The Penthouse 3, mamayang 9:35 p.m. sa GMA Telebabad!

Kilalanin ang 'The Penthouse' actress na si Lee Ji-ah sa gallery na ito: