GMA Logo The Penthouse 3
What's Hot

The Penthouse 3, malapit nang mapanood sa GMA Telebabad

By EJ Chua
Published January 12, 2022 10:31 AM PHT
Updated January 14, 2022 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

The Penthouse 3


Isa ka ba sa mga nabitin sa unang dalawang kabanata ng The Penthouse? Huwag mag-alala dahil malapit nang ipalabas ang ikatlong season nito sa GMA Primetime!

Isa sa mga seryeng sinubaybayan ng mga Pinoy noong nakaraang taon ay ang South Korean television series na The Penthouse.

Unang napanood sa GMA ang unang season ng The Penthouse noong April 2021.

Lubos na minahal ng mga Kapuso ang most-talked about drama series na ito dahil sa kakaiba nitong kwento. Kaya naman noong September 2021, agad ding ipinalabas ang ikalawang season nito.

Ang hit Korean drama na ito ay tungkol sa buhay ng mayayamang pamilya na nakatira sa 100-story luxury apartment na Hera Palace. Gagawin nila ang lahat para sa ikaaangat ng kanilang sarili at mga pamilya.

Tampok sa The Penthouse ang ilang award-winning Korean actors tulad nina Um Ki Joon, na nakilala ng mga manonood bilang si Dante; Yoon Jong-hoon, na gumanap bilang si Anton; Lee Ji-ah, bilang si Simone; Eugene, bilang si Cindy; at Kim So-yeon bilang si Scarlet.

Matapos ang ilang buwang paghihintay, mapupunan na ang pagkabitin ng Kapuso viewers sa istorya ng The Penthouse.

Sa ikatlong season nito, iikot ang istorya sa mga paraan ng paghihiganti laban sa businessman na si Dante. Kaabang-abang din kung sinu-sino ang maghihiganti sa kanya at kung paano siya pagtutulungan ng mga taong inapi at pinagmalupitan niya noon.

Muling subaybayan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa The Penthouse 3, malapit na sa GMA Primetime.

Samantala, tingnan ang top 10 trending K-dramas na minahal ng mga Pinoy noong taong 2021 sa gallery na ito: