What's Hot

'The Penthouse 3,' dalawang tulog na lang!

By EJ Chua
Published February 5, 2022 10:07 AM PHT
Updated February 5, 2022 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

The Penthouse 3


Malapit nang mapanood sa GMA Telebabad and 'The Penthouse 3.'

Isa sa Korean drama series na lubos na minahal ng mga Pinoy ay ang The Penthouse.

Ang unang season nito ay ipinalabas sa GMA Telebabad noong April 2021, at gayun din ang pangalawang season nito na napanood sa Philippine television noong Agosto ng parehong taon.

Dahil sa kakaibang istorya ng The Penthouse, maraming Pinoy ang nag-aabang kung paano nga ba mawawakasan ang kasamaan ni Dante, ang walang pusong businessman.

Sa nalalapit na pagpapalabas ng ikatlong season nito, mayroong mga karakter na magbabalik at ang ilan ay magtutulungan upang maipaghiganti ang mga mahal nila sa buhay.

Mayroon ding magdurusa at mayroon namang magiging mas matapang at matatag sa bawat hamon ng buhay.

Kaabang-abang din ang magiging buhay at kapalaran ng mga estudyanteng naging magkakompetensya noon sa Cheong-Ah Arts School.

Sino kaya ang magtatagumpay sa kanilang pag-aaral?

At kaninong magulang kaya ang patuloy na lalaban para sa karapatan, kaligayahan at kaligtasan ng kanilang mga anak?

Dalawang na lang, mapapanood na sa GMA Telebabad ang mga kapana-panabik na tagpo sa The Penthouse 3.

Samantala, tingnan ang top 10 trending K-dramas na minahal ng mga Pinoy noong taong 2021 sa gallery na ito: