GMA Logo The Penthouse 3
What's Hot

The Penthouse 3: The last 4 nights

By EJ Chua
Published March 8, 2022 7:27 PM PHT
Updated March 8, 2022 8:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

The Penthouse 3


Ano ang mga dapat abangan sa huling apat na gabi ng 'The Penthouse 3?'

Sa nalalapit na pagtatapos ng The Penthouse 3, mas tumitindi na ang mga eksenang dapat abangan ng mga manonood.

Unti-unti nang naniningil ang mga taong nasaktan, nagdusa, niloko, at mga nawalan ng mahal sa buhay at mga ari-arian.

Sa mismong kasal nina Simone at Logan, tila magsisimula ng panibagong gulo ang businessman na si Dante.

Kahit na handa sila sa posibleng pagbabalik nito sa Hera Palace, hindi pa rin maitago ni Simone ang takot na nararamdaman dahil sa labis na kasamaan ni Dante na posibleng ikapahamak ng mga bisita sa kasal nila ni Logan.

Upang palakasin ang loob ni Simone, inihanda niya ang ilang back-up plans para mas maprotektahan ang bawat taong nasa loob ng Hera Palace sa araw ng pagbabalik ni Dante sa naturang gusali.

Magtatagumpay nga ba si Dante sa pagbawi ng kaniyang kapangyarihan at kayamanan?

Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng The Penthouse 3, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang 'The Penthouse' actress na si Lee Ji-ah sa gallery na ito: