
Sa ikatlong linggo ng The Penthouse 3, nagsunod-sunod na ang paghihiganti ng ilang indibidwal sa businessman na si Dante.
Nang mawala si Cindy, mas tumindi ang galit ni Simone sa ex-husband niyang si Dante. Kaya naman, agad siyang kumilos upang maipaghiganti ang kanyang matalik na kaibigan.
Simone vs Dante
Nang malaman naman ni Stephanie ang katotohanang matagal nang itinago sa kanya ng itinuring niyang ama na si Dante, naging mas matapang na siya upang pigilan ang masasamang balak ng naturang businessman.
Kahit alam niyang maaari siyang mapahamak, hindi nagdalawang-isip si Stephanie na protektahan ang kanyang mga mahal sa buhay.
Stephanie vs Dante
Kasunod nito, labis namang ikinagulat ng lahat ang isang hindi kapani-paniwalang balita tungkol sa adoptive brother ni Anna at kasintahan ni Simone na si Logan.
Logan is alive!
Sa pagbabalik ni Logan, mas lumakas ang loob nina Simone, Spencer, Stephanie, at Rona na ipagpatuloy ang paghihiganti at pakikipaglaban sa kasamaan ni Dante.
Sino-sino kaya ang magtatagumpay sa kanilang mga plano?
Huwag palampasin ang mga susunod na tagpo sa The Penthouse 3, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang 'The Penthouse' actress na si Lee Ji-ah sa gallery na ito: