
Nagsimula nang mapanood ang high-rating Korean drama series na The Penthouse sa GMA Telebabad nitong Lunes, April 26.
Sa unang linggo, ipinakilala na ang mga bigating cast at kwento ng mga karakter nila na tiyak na susundan ng viewers.
Ang The Penthouse ay tungkol sa mayayamang pamilyang nakatira sa 100-floored luxury apartment, ang Hera Palace.
Marami ang nag-aasam na tumira sa marangyang apartment dahil bukod sa magandang amenities nito, dito rin nakabatay kung gaano kalakas ang impluwensiya sa lipunan ng residente.
Iikot ang istorya sa ambisyon ng mga karakter na maipasok ang kanilang mga anak sa prestihiyosong school for arts, ang Cheong-ah Arts School. Gagawin nila ang lahat para matulungang makapasok ang mga ito sa pinapangarap na eskweklahan kahit pa sa hindi patas na laban.
Inilatag na ni Scarlet (Kim So-yeon) ang mga plano niya para agawin si Dante (Uhm Ki-joon) mula sa asawa nitong si Simone (Lee Ji-ah).
Sina Dante at Simone ang itinuturing na pinakamaipluwensiya at mayaman sa Hera Club, na binubuo ng mga pamilyang nakatira sa Hera Palace.
Dahil sa ambisyon ni Scarlet na maging angat sa lahat, handa siyang gumawa ng krimen para maabot ito.
Maliit ang tingin ni Scarlet, isang sikat na opera singer sa Korea, sa asawa nitong si Anton (Yoon Jong-hoo) na isang doktor kaya ganoon na lamang ang paghahangad niya na magkaroon ng koneksyon o relasyon kay Dante, isang matagumpay na negosyante.
Dahil na rin sa angking ganda ni Scarlet, madali niyang natukso si Dante na hindi rin alintana kung anong mararamdaman ni Simone.
Saan hahantong ang makasalanang imbitasyon ni Scarlet?
Hanggang saan nila paninindigan ang pagtataksil at ano ang mga kaya nilang gawin para lamang manatiling lihim ang kanilang relasyon?
Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na tagpo sa The Penthouse, Lunes hanggang Huwebes, 10:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Kilalanin ang buong cast ng The Penthouse sa gallery na ito: