
Isang hit Korean series ang bagong handog ng GTV sa mga manonood.
Simula July 8, ipapalabas na sa GTV ang unang season ng The Penthouse, ang seryeng iikot sa buhay ng iba't ibang pamilya.
Tampok din dito ang mga kuwento tungkol sa pag-ibig, ambisyon, at estado sa buhay ng bawat karakter.
Ang seryeng ito ay puno ng intense scenes tungkol sa paghihiganti, pagtataksil, at pakikipagkompetensya.
Mapapanood bilang isa sa lead stars ng The Penthouse ang award-winning Korean actress na si Eugene.
Kabilang din sa mga bibida rito ay ang kilalang Korean actresses na sina Lee Ji-ah at Kim So-yeon.
Parte rin ng star-studded cast nito ang Korean actors na sina Um Ki-joon, Yoon Jong-hoon, at marami pang iba.
Sino kaya sa kanila ang may mabuting puso? At sino naman ang puno ng kasamaan ang puso?
Sabay-sabay nating panoorin ang The Penthouse, magsisimula na sa July 8 sa GTV.
Samantala, bago ang pagpapalabas nito sa GTV, una nang ipinalabas ang tatlong season ng serye sa GMA-7.