
Sa ikaapat na linggo ng The Penthouse 2, matitinding rebelasyon ang nagsimulang mabunyag dahil sa sinapit ni Rona sa isang krimen na naganap sa Cheong-ah Art School.
Matapos ang pagkawala ni Rona, tinulungan ni Logan na makabangon si Cindy upang makamit ang hustisyang inaasam para sa kanyang anak.
Ang reputasyon ni Scarlet ang naging alas ni Cindy upang mapaamin ito at isiwalat ang kanyang mga sikreto bilang ina ni Camille.
Kasunod nang pagkawala ni Simone ay ang pagdating naman ng isang babaeng kamukhang kamukha nito, siya si Allison.
Isang pagbabanta sa buhay ni Allison ang iniutos ni Dante sa kanyang mga tauhan, ngunit iniligtas siya ni Logan upang malaman ang kanyang tunay na pagkatao.
Habang gumagawa ng paraan si Cindy at Logan na makuha ang loob ni Allison na kasintahan ni Dante, mas tumitindi naman ang pagdurusa ni Scarlet.
Sa pagkadawit ng anak ni Scarlet na si Camille sa sinapit ni Rona sa gabi ng kompetisyon, ginagawa ni Dante ang lahat upang masiwalat ang sikreto ng mag-ina.
Isang ebidensya laban kay Scarlet ang ginamit ni Dante laban sa kanya.
Habang patuloy na iniipit ni Dante si Scarlet gamit ang ebidensya sa krimeng kinasangkutan ni Camille, hindi sumusuko sina Cindy at Logan na mapapayag si Allison na makipagtulungan sa kanila.
Para kay Cindy at Logan, lubos na makatutulong si Allison sa pagsasagawa ng kanilang paghihiganti kay Dante.
Ikinuwento ni Cindy kay Allison na isang masamang ama si Dante sa kanilang mga anak na sina Spencer at Stephanie.
Isang voice record naman ang hawak ni Logan tungkol sa nalalaman ni Allison sa pagkawala ni Simone.
Abangan ang mas kapana-panabik na mga pangyayari sa The Penthouse 2 mula Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang cast ng The Penthouse sa gallery na ito: