What's Hot

The Prince Charming

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 8, 2020 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Ex-Marines?' Usec. Castro says call them '18 basureros'
Tsunami waves hit some Mindanao areas after M7.8 quake
MAMAMOO announces PH leg of '4WARD' tour

Article Inside Page


Showbiz News



Get to know the person behind the role of Prince Charming sa top-rating primetime show na Grazilda.
Get to know the person behind the role of Prince Charming sa top-rating primetime show na Grazilda. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Mitch Mauricio. stars Benedict Campos is not your ordinary actor na na-discover mula sa isang commercial. He graduated with a degree in Political Science, ngunit isinantabi muna niya ito to be infront of the cameras. Kuwento pa ng binata during their pictorial for Grazilda, nagsimula ang hilig niya sa acting noong kolehiyo pa siya. “Noong college kasi nag-commercials ako. Eventually may nagyaya sa akin to try [showbiz] out, so masaya naman kaya ipinursue ko na siya after I graduated,” pahayag niya. Sa Grazilda, Benedict plays the role of the handsome Prince Charming na unang minahal ni Grazilda. “Ako si Prince Charming dito. Hindi naman kakaibang Prince Charming ang makikita nila dito. Parang iyong old-fashioned Prince Charming din,” pagpapaliwanag ni Benedict. Ano naman kaya ang balak niyang treatment sa kanyang role dito para maiba ito sa mga Prince Charming na nasa fairytale books? “Ipapasok ko rin iyong sarili ko [kay Prince Charming], kasi every character naman kailangan mong ipasok iyong sarili mong style. Makikita rin nila iyong totoong Benedict hindi lang basta iyong Prince Charming na nakikita nila sa books and movies,” sagot niya. Aniya, nakaka-relate rin naman siya somehow sa kanyang character. “Hindi naman sa pagyayabang pero akong-ako siya kasi mabait lang siyang tao at mahal na mahal niya si Cinderella. Ganoon din ako sa totoong buhay, so hindi ganoon kahirap i-act iyong part ko as Prince Charming,” nakangiting sagot ni Benedict. Dagdag pa niya, lalo siyang namo-motivate dahil he auditioned for this role at dahil na rin sa ito ang una niyang show. “Nag-audition kami [para sa role]. Marami kaming nag-audition noon. Swerte ko na nakuha ako,” kuwento pa niya, “First ever na show ko ito, so masayang-masaya ako na nakuha ako dito. Gagawin ko lahat para maging maganda iyong show.” As a matter of fact, excited na excited na nga siya for this project lalo na sa kanyang mga makakatrabaho. “Halo-halo iyong mga cast ng veterans at saka mga bago. Iyong mga bago, nakasama ko rin sila sa ibang workshops so gusto ko talaga silang makatrabaho,” kuwento niya, “Pero syempre, excited rin akong makatrabaho iyong mga veterans, like Ms. Cherie Gil, Ms. Rio Locsin, Joel Torre. Excited talaga ako. Napi-pressure rin talaga ako kasi kapag ka-scene ko sila, hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari pero excited ako.” Kaya naman hindi na pinalampas ng binata ang pagkakataon to invite the iGMA readers para subaybayan ang primetime show niyang ito. “Sa lahat ng iGMA.tv readers, sana subaybayan nyo po ito. Sana suportahan ninyo iyong buong cast, hindi lang po ako. Promise ko sa inyo na magiging maganda ito, as in bongga lahat ng costumes at okay iyong cast. Kaya abangan ninyo ito.” Subaybayan ang character ni Benedict Campos sa Grazilda, weeknights after Survivor Philippines Celebrity Showdown. Pag-usapan si Benedict sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!