
Ipinagtanggol ni Yi San (Lee Jun-ho) ang kaniyang minamahal laban kay prinsesa Wo Bin matapos nitong saktan at pahirapan si Deok-im.
Nalaman din nila na sumakabilang-buhay na si Hong Deok-ro (Kang Hoon), ang dating kalihim ng palasyo at matalik na kaibigan ni Yi San.
Sa kaniyang pagpanaw, nag-iwan siya ng liham para sa mahal na hari kung saan inamin niyang hindi siya ang nagligtas dito noong bata pa sila kung hindi si Deok-im.
Sa huling tatlong araw ng serye ay magbubunga ang pagmamahalan nina Sung Deok-im (Lee Se-young) at Yi San ngunit tila hindi pa rin siya masaya.
Iniisip niyang hindi siya nararapat para sa hari dahil isa lamang siyang tagapagsilbi sa palasyo at natatakot siyang maging magulo ang buhay nito.
Magkakaroon kaya sila ng happy ending? Pakakasalan kaya ni Yi San si prinsesa Wo Bin o susundin niya ang bilin ni Deok-ro na piliin ang tinitibok ng kaniyang puso?
Abangan sa huling tatlong gabi ng The Red Sleeve, 10:20 p.m., sa GMA Network.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG THE RED SLEEVE SA GALLERY NA ITO: