
Sa takot na mawala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan, humingi ng tulong ang prinsipe na si Yi San (Lee Jun-ho) sa kaniyang mga katiwala.
Kinailangan niya ng isang taong kakausap sa hari para siya ay palayain sa pagkakakulong!
To the rescue naman ang kaniyang tagapagsilbi na si Sung Deok-Im (Lee Se-young).
Sinubukan niyang kumbinsihin ang reyna para matulungan si Yi San.
Sa pamamagitan ng palaisipan, nakuha ni Sung Deok-Im ang loob ni reyna Jung-soon (Jang Hee-jin).
Kapalit ang tulong nito, inutusan siya ng mahal na reyna na humanap ng rason para maparusahan si prinsesa Hwawan (Seo Hyo-rim) dahil sa masamang pag-uugali nito.
Magagawa kaya ni Sung Deok-Im ang nais ng reyna?
Matutulungan niya kaya ang mahal na prinsipe?
Panoorin mamaya sa 'The Red Sleeve,' 9:35 p.m., sa GMA Network.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'THE RED SLEEVE' SA GALLERY NA ITO: