GMA Logo Lee Jun-ho
What's Hot

The Red Sleeve: Nahuhulog na ba si Yi San kay Sung Deok-im?

By Abbygael Hilario
Published September 6, 2022 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Lee Jun-ho


Nagselos ang mahal na prinsipe nang makita niya si Sung Deok-im na kausap si Hong Deok-ro!

Nagtagumpay si Sung Deok-Im (Lee Se-young) sa hamon ng reyna kaya nakalaya na si Yi San (Lee Jun-ho) sa pagkakakulong!

Dahil sa angking galing ni Deok-im, pinag-iinitan naman siya ni Hong Deok-ro (Kang Hoon).

Natatakot ito na balang araw ay mapalitan siya ni Deok-im bilang kanang-kamay ng prinsipe.

Habang tumatagal ay lumalabas ang tunay na ugali ni Deok-ro!

SOURCE: GMA Network

Mukhang lumalalim na rin ang pagtingin ni Yi San sa kaniyang tagapagsilbi.

Nagalit ang mahal na prinsipe nang makita si Deok-im na kausap si Deok-ro.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkadikit ang dalawa matapos aksidenteng mahulog si Deok-im sa paliguan ni Yi San.

Ano kaya ang naramdaman nila? Tuluyan na bang mahuhulog ang loob nila sa isa't isa?

Abangan mamaya ang mas nakakakilig nilang eksena sa The Red Sleeve, 9:35 p.m. sa GMA Network.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'THE RED SLEEVE' SA GALLERY NA ITO: