
Sa linggong ito, isa sa mga naging pasyente ng Doldam Hospital si Sharon, ang babaeng paramedic na biglang nawalan nang malay sa gitna ng kanyang duty.
Nang suriin ni Dr. Wesley So, in-charge sa naturang pasyente, napag-alamang comatose si Sharon. Ang itinuturong dahilan ay ang impact ng pagkakasuntok sa ulo niya ng lasing na lalaking tinulungan niya sa kalye.
Kalaunan ay idineklara na rin itong brain dead.
Samantala, pasyente rin sa ospital ang isang bilanggo na isinugod din sa Doldam Hospital na kailangan naman ng kidney transplant. Si Dr. Emily Cha ang doktor na in-charge sa kanya.
Nakulong ito sa kasong murder at pinatawan ng habambuhay na pagkakakulong. Dahil sa kulungan din babalik ang naturang bilanggo, ayaw niyang makipag-cooperate kay Dr. Emily at sa team nito.
Bukod sa dahilang sa kulungan din ulit ang bagsak niya, nagdududa siyang may donor na magdo-donate sa kanya ng kidney.
Pero kahit ganoon, determinado si Emily na operahan at agapan ang lumalala na nitong kalagayan kahit pa 'tila ayaw na nitong mabuhay.
Kaya nang malaman niyang idineklara na ng Doldam Hospital na brain dead ang paramedic, iminungkahi niya kina Master Kim at Dr. Wesley na maaaring maging kidney donor ng bilanggo ang paramedic.
Ito lamang ang nakikita niyang tanging paraan para maisalba ang buhay ng pasyente niya.
Pinag-isipang mabuti ni Master Kim ang mungkahi ni Emily at sa huli ay naunawaan niya ito. Pero wala sa ospital ang desisyon ng pagiging kidney donor ng paramedic, nasa pamilya nito.
Kinausap ng staff ng Doldam Hospital ang nanay ng paramedic. Hindi ito sumang-ayon nang malamang sa isang bilanggo binabalak ng ospital ibigay ang kidney ng anak niya.
Ngunit kalaunan ay lumambot din ang puso niya nang makita ang ina ng transplant recipient. Tulad niya, naghihinagpis din ito sa kalagayan ng anak nito. At dahil kapwa silang nanay, mas lalo niyang naunawaan ang pinagdadaanan nito.
Hanggang sa kanyang huling hininga nakatulong pa rin ang paramedic na si Sharon na makapagligtas ng buhay.
Subaybayan ang The Romantic Doctor 2 gabi-gabi, 10:20 p.m., sa GMA.
Samantala, kilalanin ang buong cast ng The Romantic Doctor 2 sa gallery na ito: