GMA Logo Dr Miguel Park at Dr Emily Cha
What's Hot

The Romantic Doctor 2: Emily is asked to resign from the hospital

By Dianara Alegre
Published March 12, 2021 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Indonesia to restrict social media access for children under 16, minister says
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention
PropertyGuru Philippines Property Awards introduces new categories this year

Article Inside Page


Showbiz News

Dr Miguel Park at Dr Emily Cha


Papayag ba si Dr. Emily Cha na mawalan ng trabaho sa Doldam Hospital?

Sa unang Friday duty nina Dr. Wesley So at Dr. Emily Cha ay nabigla sila sa dami ng pasyenteng dumulog sa ospital para magpagamot.

Hindi nga talaga pangkaraniwan ang araw ng Biyernes para sa Doldam Hospital dahil mas marami ang taong humihingi ng tulong dahil na sa location ng ospital.

Isa sa mga pasyenteng nahawakan ni Emily ang anak ng mag-asawang may alitan. Korean ang lalaki at isa namang Filipina ang babae.

Bukod sa isipin nila dulot ng pagkakaospital ng kanilang anak, hindi maayos ang samahan ng mag-asawa dahil binubugbog ng lalaki ang kanyang asawa. Hanggang sa ospital ay panay ang pagtatalo ng mga ito, gayundin ang pananakit ng lalaki.

Nakita ito ni Emily at kaagad na ipinagtanggol ang babae. Noong una ay ayaw umamin ng battered wife ang pagmamaltrato sa kanya ng kanyang asawa hanggang sa isang araw ay hindi na ito nakapagtimpi.

Dala na rin ng galit, lumaban na ang babae at nagtangkang saktan ang lalaki. Tinutukan niya ito ng patalim. Muli itong nakita ni Emily at pinigilan ang babae.

Ngunit hindi nagpapigil ang babae hanggang sa sinanggahan ni Emily ang tangkang pagsaksak nito sa lalaki. Si Emily ang nasugatan sa pananaksak at nahiwa ang kanyang leeg.

Nakarating sa pamunuan ng ospital at sa presidente nitong si Dr. Miguel Park ang nangyari at nagpatawag ito ng meeting. Kinausap niya ang pamilyang sangkot.

Emily ChaSource: The Romantic Doctor 2

Sa usapan, mariing itinanggi ng lalaki ang umano'y pambubugbog niya sa asawa. Sa takot pa rin na lalong lumala ang sitwasyon, hindi na rin umimik ang babae sa totoong nangyari.

Naipit sa sitwasyon si Emily dahil siya ang idinidiin ng lalaki na may kagagawan ng lahat. Hindi naman pinakinggan ni Dr. Miguel ang pahayag ni Emily.

Dahil sa gulong inabot, kahit labag sa loob ay nagdesisyon si Emily na humingi ng paumanhin sa pamilya. Para hindi mamantsahan ang imahe ng ospital, lalo na ang karangalan ni Dr. Miguel, kinausap niya si Emily at sinabihang mag-resign na lamang sa ospital para matapos na ang lahat at hindi na lumala pa.

Saan hahantong ang usapan nilang ito? Ano ang magiging desisyon ni Emily? Papayag ba siyang mawalan ng trabaho sa Doldam Hospital?

Dr Miguel Park at Dr Emily Cha

Source: The Romantic Doctor 2

Subaybayan ang The Romantic Doctor 2 gabi-gabi, 10:20 p.m., sa GMA.

Samantala, kilalanin ang buong cast ng The Romantic Doctor 2 sa gallery na ito: