GMA Logo master kim on the romantic doctor 2
What's Hot

The Romantic Doctor 2: Master Kim saves Doldam Hospital

By Dianara Alegre
Published April 29, 2021 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

master kim on the romantic doctor 2


Nang sa tingin ng mga kalaban ay nagwagi na sila plano nilang buwagin ang Doldam Hospital at pabagsakin si Master Kim ay inilabas ng beteranong doktor ang kanyang huling alas.

Na-diagnose na may carpal tunnel syndrome at multiple sclerosis si Master Kim ngunit itinago at ipinagpaliban niya ang surgery para rito dahil sa kakulangan ng staff sa Doldam Hospital.

Dahil ilang linggo ang kinakailangang recovery time matapos ang surgery para rito, nangangamba siyang magkaroon ng problema ang ospital sa pagtanggap ng mga pasyente. Ayaw niya ring mas pahirapan ang mga kapwa niya doktor na sasalo sa gamutan ng mga pasyenteng maiiwan niya.

Ang naturang sakit ang naging panibagong rason ng mga kalaban niya, partikular si Chairman Luis Do, para pabagsakin ang Doldam Hospital. Ito ay bukod sa imbestigasyon sa pagkamatay sa operating table ng pasyente ni Dr. Miguel Park.

Source: GMA The Heart of Asia (Facebook)

Gayuman, hindi nag-iisa si Master Kim sa pagprotekta sa ospital dahil nasa likod niya ang mga magagaling niyang kasamahan at mentees kabilang na sina Wesley So at Emily Cha.

Si Wesley ang napili ni Master Kim na maging doktor niya at mamahala sa surgery na sasailaliman niya. Noong una pa lamang niyang makita si Wesly sa Geosan Hospital ay nakita na ni Master Kim ang potensyal ng binatang doktor kaya inalok niya ito ng trabaho sa Doldam Hospital.

Gaya ng inaasahan niya, ipinamalas ni Wesley ang abilidad at prinsipyo nito bilang isang doktor. At sa ilalim ng gabay niya, isang mahusay na surgeon ang muling hihirangin sa Doldam Hospital.

Source: GMA The Heart of Asia (Facebook)

Samantala, nang sa tingin ni Chairman Luis na siya na ang nagwagi sa laban nila ni Master Kim ay inilabas ng beteranong doktor ang kanyang huling alas.

Bukod sa nakaka-recover na siya sa sugery niya, naaprubahan na ang Medical Corporation License ng Doldam Hospital. Separate corporate entity na ito at hindi na pinatatakbo sa ilalim ng Geosan Foundation, na pinamamahalaan ni Chairman Luis kaya wala na itong kahit anong koneksyon sa ospital.

Wala na rin itong kapangyarihan na buwagin ang ospital at sibakin sa trabaho ang sinumang empleyado rito.

Ang Doldam Hospital ay tatawagin nang Doldam Medical Foundation at si Master Kim ang CEO nito.

Bukod dito, nagkaroon ng kasunduan sina Master Kim at Dr. Miguel Park na magkatuwang na patakbuhin ang Doldam Medical Foundation.

Source: GMA The Heart of Asia (Facebook)