
Nagsimula na ang bagong journey ng legendary surgeon na si Dr. Daniel Boo o Master Kim (Han Suk-kyu), ang hinahangaang doktor ng Doldam Hospital sa Gangwon Province.
Dahil kulang ang mga doktor sa naturang ospital, nagtungo si Master Kim sa Geosan University Hospital sa Seoul para mag-recruit ng bagong surgeon.
Doon ay nakilala niya si Dr. Wesly So (Ahn Hyo-seop), ang 2nd year general surgery fellow na mayroong troubled past. Bukod dito, kinaiinisan din siya ng mga kapwa niya doktor dahil sa pagiging whistle blower niya.
Pero sa kabila nito, inalok pa rin niya ng trabaho si Dr. Wesley dahil nakita niyang may potensyal at magiging isang mahusay na doktor ito sa pangangalaga niya.
Pumayag si Wesley sa alok na trabaho ni Master Kim dahil sinuspinde siya sa Geosan Hospital at hinahabol din siya ng loan sharks. Siya ang nagbabayad ng utang na iniwan ng yumaong mga magulang ni Wesley.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nalipat din sa Doldam Hospital si Dr. Emily Cha (Lee Sung-kyung), isang 2nd year cardiac surgery fellow na determinadong maging matagumpany na doktor. Gayunman, mayroon siyang anxiety/panic disorder sa tuwing magkakaroon ng operasyon.
Nasuspinde siya sa Geosan University Hospital dahil sa pag-collapse niya sa gitna ng operasyon at inilipat sa probinsiya.
Inakala nina Wesley at Emily na simple at walang buhay na ospital lamang ang Doldam Hospital ngunit laking-gulat nila nang matunghayan ang tunay na kalagayan nito.
Maraming pasyente ang sumusugod sa ospital para magpagamot. Lingid pa sa kanilang kaalaman na dito mahahasa ang kanilang kakayanan at prinsipyo bilang mga doktor.
Panoorin ang The Romantic Doctor 2 gabi-gabi, 10:20 p.m., pagkatapos ng My Korean Jagiya sa GMA.
Samantala, kilalanin ang ibang cast ng serye sa gallery na ito: