GMA Logo Master Kim
What's Hot

The Romantic Doctor 2: The fall of the veteran doctor

By Dianara Alegre
Published April 6, 2021 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
6 men to face alarm and scandal complaint after roadside scuffle
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Master Kim


Matukoy kaya ni Wesley So ang tunay na sakit ni Master Kim?

Kahit hindi naging malala ang sugat na natamo ni Master Kim nang maaksidente at tumaob ang bus na sinasakyan niya pabalik ng Doldam Hospital, naging mitsa pa rin ito para lumala ang existing na sakit niya.

Bagamat hindi pa niya inilalantad ang tunay na sakit, inobserbahan siya ni Wesley So dahil napansin niyang kakaiba ang ikinikilos nito.

Dahil sanay na iniinda lamang ang sakit, minabuti ni Master Kim na sarilinin na lang ulit ang dinaramdam. Ngunit sa kasamaang-palad, hindi niya na ito kinaya at bumigay na ang kanyang katawan.

Master Kim

Mabuti namang nakita agad ni Wesley ang nakalupasay nang katawan ni Master Kim sa opisina nito at kaagad na humingi ng saklolo para mabigyan ng first aid ang veteran doctor.

Ngunit sa kalagitnaan ng eksaminasyon ay nagkamalay si Master Kim at nagpumilit siyang ayos lang ang kalagayan niya gayung kabaligtaran naman ng sinasabi niya ang ikinikilos ng katawan niya.

Kahit na nagpumilit, hindi na nakatanggi pa ang doktor na sumunod na lamang sa mga kasamahan niya sa Doldam Hospital na labis din ang pag-aalala sa kanya. Naging pasyente siya ni Wesley.

Kahit na istrikto si Master Kim ay mahal siya ng mga katrabaho niya sa ospital na mataas ang tingin at pagpapahalaga sa kanya. Likas na matigas ang ulo niya pero hindi na siya nakaangal pa nang pagbawalan ng head nurse na magpahinga at ipaubaya muna sa ibang doktor ang pamamahala ang mga pasyente.

May hinala na si Wesley sa sakit ni Master Kim na hanggang ngayon ay hindi pa rin nito sinasabi.

Matukoy kaya niya ang tunay na sakit ng doktor? Makaapekto kaya ang kondisyon niya sa estado ng Doldam Hospital?

Wesley So at Master Kim

Subaybayan ang The Romantic Doctor 2 gabi-gabi, 10:20 p.m., sa GMA.

Samantala, kilalanin ang buong cast ng The Romantic Doctor 2 sa gallery na ito: