
Sa nakaraang episode ng The Sand Princess, magkakaroon ng malaking pagtatalo sina Clifford (Dan Kirakorn) at Karen (Baifern Pimchanok).
Dahil sa isang matinding away, mag-aalsabalutan si Karen at aalis na sa bahay ni Clifford. Walang ibang magawa si Clifford kung 'di alagaan si Mochi mag-isa, kaso hinahanap ng bata ang kaniyang fake mom.
Magpapakalayo-layo muna si Karen at magbabakasyon, pero susundan siya ni Clifford alang-alang kay Mochi. Kakausapin ni Clifford si Karen dahil lagi itong hinahanap ni Mochi at pakikiusapan na bumalik lalo na't binayaran niya na ito para alagaan ang kaniyang anak.
Handa si Karen na ibalik ang nakuha niyang pera para sa pag-aalaga kay Mochi dahil sa sama ng loob niya kay Clifford, pero manlalambot din ang puso ni Karen at mami-miss si Mochi kaya sasang-ayon na itong bumalik sa tahanan ni Clifford. Mababalitaan ito ni Jericho (March Chutacuth) at maiisipan na subukan muling ligawan si Karen.
Sa kaniyang pagbabalik, magka-develop-an kaya silang muli ni Clifford o para na lang kay Mochi ang kanilang pagsasama?
'Wag palampasin ang last four episodes ng The Sand Princess Monday to Thursday 10:20 p.m. sa GMA Telebabad!
Tingnan ang transformation ni Baifern Pimchanok: