What's Hot

The secret to Andrea Torres' sexy FHM body is Mikael Daez

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 9:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Paano tinulungan si Andrea Torres ng kanyang 'Ang Lihim ni Annasandra' love team na si Mikael Daez to achieve a super sexy body for the cover of FHM? Andrea tells all. 

By CHERRY SUN
 
Pagkatapos ng limang taong panliligaw ng men’s magazine ay pumayag na ang Ang Lihim ni Annasandra lead star Andrea Torres na mag-pose para sa FHM. At isa raw sa mga nagbigay suporta sa kanya ay ang ka-love team na si Mikael Daez.
 
 

A photo posted by Andrea Torres (@andreaetorres) on

 
Ayon sa aktres, ito ang kanyang paraan para markahan ang ika-limang taon niya sa industriya.
 
“Gusto ko kasi 'pag nag-FHM ako, hindi ‘yung parang, ‘Ay bitin.’ ‘Yung ganun, ‘yung balot na balot or walang pasabog,” bungad niya sa 24 Oras.
 
“So i-a-assure ko naman kayo na merong pasabog and worth it naman ‘yung paghintay,” saad ng aktres.
 
Ginanap ang kanyang sexy photo shoot sa isang resort sa Zambales. Isang buwan daw siyang naghanda para makamit ang nais niyang bikini body para rito.
 
“From taping nag-gi-gym ako kahit wala pa akong tulog. May diet na rin,” ani Andrea.
 
Napaka-supportive raw ni Mikael sa kanyang paghahanda.
 
Kuwento niya, “Palagi niyang chinecheck ‘yung katawan ko. ‘Patingin nga, sobrang payat na ba ‘yan? O dagdagan mo pa ng muscle dito’. Lagi siyang ganun.”
 
“‘Anong kinakain mo?’ Concerned din siya nung time na sumobra payat ako. ‘Di ko gusto, sobrang payat mo na. Palaman ka.’ Ganun siya. Nakakatuwa talaga,” patuloy niya.
 
Noong una raw ay kinailangan pang kumbinsihin ni Andrea ang kanyang ama na suportahan siya sa kanyang desisyon,  ngunit ngayon ay very supportive na rin ang kanyang buong pamilya.

MORE ON THE HOT PAIR: 

Andrea Torres on Mikael Daez: "Lalaking-lalaki"
Love scene nina Andrea at Mikael, dapat abangan sa 'Ang Lihim ni Annasandra'
Andrea Torres, may pinagpaalaman ba sa kanyang pagpapa-sexy sa Ang Lihim ni Annasandra?