GMA Logo The Secrets of Hotel 88
Source: GMANetwork/FB
What's Hot

'The Secrets of Hotel 88' teaser, umabot na ng mahigit 10M views

By Kristian Eric Javier
Published January 24, 2026 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

7 dead, 82 missing in Indonesian landslide, disaster agency says
The Long Game: Anthony and Donny Pangilinan on Fatherhood, Fame, and the Value of Time
NCAA S101 women's volleyball officially begins

Article Inside Page


Showbiz News

The Secrets of Hotel 88


Raw emotions at natural reaction ang makikita ng mga manonood sa paglabas ng 'The Secrets of Hotel 88' soon on GMA Prime.

Umabot na ng mahigit 10 million views ang teaser ng inaabangang mystery-drama series na The Secrets of Hotel 88.

Nagbigay na ng ilang clues ang teaser kung ano ang magiging kwento nang magbukas ito sa mga karakter nina Will Ashley, Brent Manalo, at Ralph De Leon.

Kalaunan ay tila makakaalitan nila ang mga karakter nina Mika Salamanca, Bianca De Vera, River Joseph, at Josh Ford. Makakasama rin nila rito ang ilang former housemates ng unang season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa panayam sa kanila ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ng ilan sa cast ang tila rollercoaster na emosyon na mapapanood at mararamdaman nila sa serye.

"Rollercoaster po kasi talaga 'yung Hotel 88. It's not one-sided, it's not all drama, but it's also not all fun at the same time. So 'yung mga iyakan du'n, 'yung mga galit, 'yung mga away, it happens," sabi ni Ralph.

Ayon pa sa cast, may ilang eksena raw na walang sinusunod na script kaya naman raw emotions at reactions ang masisilayan ng mga manonood.

"I think it depends po sa eksena, kasi ako I've trained myself na rin po to get used to like on the spot, like improvisations and everything. So not having the script is also pretty exciting for me," sabi ni Kira Balinger.

Kwento naman ni Mika, paunti-unti kung ibigay sa kanila ang script kaya naman, kaniya-kaniyang hintay ang mga bida ng serye.

"Kahit kami talaga, kailangan namin hintayin talaga 'yung kwento, ganiyan, kasi po ang dami po talagang secrets," sabi ni Mika.

Bukod sa dating mga housemate, mapapanood din ang ilan sa mga beteranong aktor sa serye tulad nina Ina Raymundo, Dominic Ochoa, at Gardo Versoza.

Inaasahang mapapanood ang serye sa first quarter ng 2026 sa GMA Primetime.

Panoorin ang buong teaser ng The Secrets of Hotel 88 dito:


KILALANIN ANG MGA BIDA NG 'THE SECRETS OF HOTEL 88' SA GALLERY NA ITO: