
Matapos ang mahabang panahon, muling nagkita ang mortal na magkaaway na sine Eileen (Glaiza De Castro) at Alexa (Valerie Concepcion) ng GMA Afternoon Prime series na The Seed of Love.
Pitong taong nanirahan sa Amerika sina Alexa, Bobby (Mike Tan), at Thirdy (Ethan Harriot), samantalang nanatili naman sa Pilipinas si Eileen at naging successful event photographer.
Balikan ang kanilang muling pagkikita dito:
Dahil sa intense na sabunutan nina Eileen at Alexa sa isang art shop, kung saan pinag-aagawan nila ang isang painting, tinutukan ito ng napakaraming tao.
Sa katunayan, base sa Nielsen Philippines Tam NUTAM People Ratings, nakuha ng The Seed of Love ang pinakamataas nilang rating na 9.5% na mas mataas kumpara sa katapat nitong programa.
Balikan ang muling pagkikita nina Eileen at Alexa dito:
Patuloy na subaybayan ang kapanapanabik na istorya ng The Seed of Love, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magandang Dilag.