
Tatlong leading men ang magdadala ng magkakaibang flavors sa upcoming telemovie na "The Signs."
Bahagi ito ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pagbibidahan ito ni Kapuso actress Bianca Umali, habang leading men niya ang mga showbiz newbies na sina Carlo San Juan, Prince Carlos, at Gab Moreno.
Tungkol ito sa isang modern girl na si Moira na naghahanap ng signs na magtuturo sa kanyang true love.
Si Carlo, na newly-signed GMA Artist Center talent at Eat Bulaga Mister Pogi 2019 winner, ang gaganap bilang kapitbahay ni Moira na si Niel. Hindi sila magkasundo sa simula pero magiging magkaibigan din kalaunan.
Si Prince naman ay gaganap bilang si Paul, ang athletic guy na makikilala ni Moira habang nag-e-exercise sa park. Tulad ng karakter niya, athlete rin si Prince at bahagi ng varsity basketball team ng College of St. Benilde.
Si Gab naman ay gaganap bilang Patrick, isang architect na makikilala ni Moira sa kanyang coffee shop. Sa tunay na buhay, isang champion archer na nakapag-uwi ng mga gold medal mula sa 2014 Youth Olympics at bronze medal mula sa 2017 SEA Games si Gab.
Gaya sa kuwento, naniniwala rin kaya sina Carlo, Prince, at Gab sa signs? Nagkuwento ang tatlo tungkol sa pananaw nila sa paghahanap at paniniwala sa signs sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong October 7.
"Ako po, hindi po talaga ako naniniwala sa signs because I always pray to God to give me knowledge and wisdom para malaman kung ano 'yung tama at mali. By praying, binigyan niya ako ng struggles, experience so masasabi ko na hindi ako nagre-rely sa signs kundi sa experience in life," pahayag ni Carlo.
Hindi rin daw naniniwala sa signs si Prince pero pinipili niyang sundan ang kanyang puso.
"Ako personally, I don't believe in signs lalo na sa love. You will know naman if that person is the right one for you. It's not something you should base on signs na dapat may ganito, may ganyan siya. I mean there's nothing wrong with having a type, kasi lahat naman tayo siyempre may type. Pero I guess we shouldn't rely on that alone kasi wala naman perfect na tao. If you really love the person, I guess we'll just have to learn how to embrace their imperfections," ani Prince.
Aminado naman si Gab na bahagyang hati ang opinyon niya.
"Napakapraktikal ko kasing tao eh. Siguro yes at times, minsan no, because we have to also be practical when choosing 'yung partner natin 'di ba or kung kanino tayo ma-i-in love 'di ba? Pero minsan kasi hindi mo rin mapipigilan. Minsan tatamaan ka na lang ni Cupid na hindi mo alam na in love ka na pala. Kaya yes and no," paliwanag niya.
Abangan sina Carlo, Prince, at Gab bilang leading men ni Bianca Umali sa "The Signs" sa Regal Studio Presents, ngayong Linggo na, 4:35 p.m. sa GMA.
Silipin din ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: