GMA Logo The Skywatcher Week 2
What's Hot

The Skywatcher: Ang bagong misyon nina Zandro at Lady Meng | Week 2

By Jimboy Napoles
Published June 22, 2022 4:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pila ka mga turista, ginpili igasaulog sang bag-ong tuig sa isla sang Boracay | One Western Visayas
Electrical issues are top cause of New Year's Eve fires – BFP
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

The Skywatcher Week 2


May bagong misyon sina Zandro at Lady Meng bilang sina Adam at Claire.

Sa ikalawang linggo ng The Skywatcher, isang misyon ang pinagtulungang lutasin nina Zandro at Lady Meng bilang sina Adam at Claire.

Isang kaluluwa ng isang ama ang hindi matahimik dahil sa kanyang biglaang pagkamatay. Hindi siya makatawid sa kabilang buhay dahil ang kanyang naiwang anak ay bata pa at hindi nito makukuha ang kanyang karapatan.

Dahil dito, inimbestigahan nina Adam ang pagkamatay ng nasabing ama. Dito nila natuklasan na namatay ito dahil sa insidente sa trabaho at nahuli rin nila ang totoong may sala sa krimen.

Nabigyan nina Adam at Claire nang hustisya ang pagkawala ng ama at nakuha rin ng anak ang karapatan nito sa naiwang benepisyo ng kanyang tatay.

Sa kabilang banda, may namumuong selosan naman sa pagitan nina Zandro at Bryan dahil kay Lady Meng o Claire.

Nagiging malapit na si Claire sa kanyang boss na si Bryan. Ano naman kaya ang gagawin ni Zandro upang hindi maalis sa kanya ang atensyon ni Claire?

Sundan ang kuwento ng The Skywatcher, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 ng gabi sa GMA.

Samantala, kilalanin pa ang cast ng The Skywatcher, sa gallery na ito: