GMA Logo The Skywatcher
What's Hot

The Skywatcher: Ang tunay na pagkatao ni Bryan | Week 8

By Jimboy Napoles
Published August 5, 2022 9:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thieves drill into German bank vault and make off with millions
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

The Skywatcher


Bakit mas pinili ni Lady Meng si Bryan laban kay Zandro?

Sa ikawalong linggo ng The Skywatcher, ipinakita na ni Bryan ang kanyang tunay na kulay at masamang balak kina Lady Meng at Zandro.

Ginamit ni Bryan ang katauhan ni Luchi upang linlangin si Lady Meng at mapatay niya si Zandro.

Upang iligtas si Zandro, sinakripisyo ni Lady Meng ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-amoy sa corpse flower at manumbalik ang kanyang ala-ala ilang libong taon na ang nakakaraan. Dahil dito napaniwala ni Lady Meng si Bryan na kakampi na siya nito.

Upang mas maging epektibo ang kanyang pagpapanggap, mas pinili ni Lady Meng si Bryan sa harap mismo ni Zandro.

Pagkatapos nito, hiniling ni Lady Meng na tigilan na ni Bryan ang panggugulo kay Zandro ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas nagalit pa ito.

Makatakas pa kaya si Lady Meng sa mga kamay ni Bryan? Ano ang gagawin ni Zandro para iligtas siya?

Sundan ang kuwento ng The Skywatcher, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 ng gabi sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG THE SKYWATCHER SA GALLERY NA ITO: