GMA Logo The Skywatcher Week 4
What's Hot

The Skywatcher: Panibagong Panganib | Week 4

By Jimboy Napoles
Published July 5, 2022 7:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wage hike OK'd for Northern Mindanao minimum wage earners, kasambahays
Woman run over by bus in Davao City; dies
Marian Rivera welcomes the new year in luxurious designer jewelry

Article Inside Page


Showbiz News

The Skywatcher Week 4


Isang kaaway mula sa nakaraan ang nagbabalik para guluhin sina Zandro at Lady Meng.

Sa ikaapat na linggo ng The Skywatcher, muling nalagay sa kapahamakan ang buhay ni Lady Meng.

Kasabay ng tensyon sa pagitan nina Zandro at Bryan, patuloy rin ang pagsalakay ng masasamang espiritu kay Lady Meng.

Isang hindi matahimik na kaluluwa ang umatake sa kanya dahil sa balak nitong paghihiganti sa taong nagkasala sa kanya at sa kanyang pamilya.

Hindi ito agad nalaman ni Zandro kung kaya't masyadong naapektuhan si Lady Meng.

Dahil dito, upang higit na maprotektahan at mapagaan ang loob ni Lady Meng ay nagkasundo na sina Zandro at Bryan.

Ngunit, isang masamang kaluluwa naman mula sa nakaraan ang nagbabalik para guluhin sina Zandro at Lady Meng.

Maprotektahan kaya nila ang isa't isa dito kung pareho silang maaaring maging biktima?

Sundan ang kuwento ng The Skywatcher, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 ng gabi sa GMA.

Samantala, kilalanin pa ang cast ng The Skywatcher, sa gallery na ito: