GMA Logo The Skywatcher Week 7
What's Hot

The Skywatcher: Sino nga ba talaga si Bryan? | Week 7

By Jimboy Napoles
Published July 29, 2022 10:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SWS: 44% of Pinoys expect quality of life to improve in 2026
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

The Skywatcher Week 7


Ano kaya ang itinatagong lihim ni Bryan kina Zandro at Claire?

Sa ikapitong linggo ng The Skywatcher, nagsimula nang mag-deliver ng tea si Lulu mula sa kanilang coffee shop dahil patok sa mga estudyante ang itinitinda nilang blissful tea.

Ngunit bigla na lamang nahilo ang lahat ng nakainom nito kasunod ng panonood nila ng video ng isang pianist.

Sa pag-iimbestiga nina Claire at Zandro, dito nila nalaman na sinasapian pala si Lulu at sinadya niyang magbigay ng mga nakakasamang tsaa sa mga estudyante. Dahil dito, tinipon nina Zandro at Claire ang mga biktima at saka nila ibinalik ang mga ito sa katinuan.

Lahat ng estudyante na nakainom ay gumaling at bumalik sa kanilang pag-iisip ngunit nanatiling mahina si Lulu.

Pagkatapos ng imbestigasyon, nalaman nina Zandro at Claire na kinausap ni Bryan ang pianist bago ito masapian.

May kinalaman nga kaya si Bryan sa lahat ng masasamang nangyayari kina Claire at Zandro?

Sundan ang kuwento ng The Skywatcher, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 ng gabi sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG THE SKYWATCHER SA GALLERY NA ITO: