
Matapos ang limang taon, muling magpe-perform ang sikat na British pop band na The Vamps para sa kanilang Pinoy fans!
Magbabalik-Pilipinas ang The Vamps sa February 2023 para sa kanilang "Greatest Hits Tour" at sa pagdiriwang ng kanilang ika-10 taong anibersaryo.
"This is not a dream, The Vamps is coming back to the Philippines! Don't miss The Vamps - Greatest Hits Tour happening on February 17, 2023, 8:00 p.m. at the SM Mall of Asia Arena," anunsyo ng Live Nation Philippines ngayong araw, October 25.
Para sa tickets, magkakaroon ng pre-sale ang Live Nation sa November 8 mula 10:00 a.m. hanggang 11:59 p.m., habang ang general sale naman ay magsisimula sa November 9.
Huling nag-perform ang The Vamps sa bansa noong October 2017 para sa kanilang "Middle Of The Night Tour."
Ngayong Oktubre, inilabas ng The Vamps ang pinakabago nilang album, ang 10 Years Of The Vamps, na naglalaman ng ilan sa mga kilala nilang kanta tulad ng "Wild Heart" at "She Was the One."
ALAMIN ANG ILAN SA INTERNATIONAL CONCERTS SA PILIPINAS NGAYONG TAON: