GMA Logo The Vigil
What's on TV

'The Vigil' starring Will Ashley, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published August 11, 2025 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

At least 5,000 dead in Iran unrest, official says, as judiciary hints at executions
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

The Vigil


Kabilang ang 'The Vigil' ni Will Ashley sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Spooky movies ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Isa na riyan ang The Vigil, na pinagbidahan ng former PBB housemate at Kapuso star na si Will Ashley.

Kuwento ito ng isang grupo ng mga binata na sasailalim sa initiation ng isang secret organization na kinabibilangan ng kanilang mga magulang.

Pero dahil sa isang malaking pagkakamali, manganganib ang kanilang mga buhay.

Abangan ang The Vigil, August 14, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.



Huwag ding palampasin ang T'yanak starring Judy Ann Santos, Solenn Heussaff, at Tom Rodriguez.

Remake ito ng iconic 1988 horror film na Tiyanak na pinagbidahan nina Janice de Belen, Lotlot de Leon, at Ramon Christopher.

Iikot ang kuwento nito sa isang ina na gagawin ang lahat para protektahan ang kanyang anak, kahit pa isa itong halimaw.

Abangan ang T'yanak, August 13, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.