GMA Logo The Voice Generations
What's on TV

'The Voice Generations' marks another high TV ratings and online engagement

By Jimboy Napoles
Published September 12, 2023 4:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

The Voice Generations


Maraming salamat sa inyong suporta, mga Kapuso!

Patuloy na tinututukan sa TV at pinag-uusapan online ang pinakabagong reality singing competition ngayon sa bansa ang The Voice Generations sa GMA.

Base sa inilabas na TV ratings data, nakakuha ang The Voice Generations ng 10.3 percent TV ratings sa ikatlong episode nito noong Linggo, September 10.

Bukod dito, trending din sa social media ang bawat episodes ng nasabing programa. Sa katunayan, consistent na pasok sa top trending topics sa X ang hashtags ng The Voice Generations.

Ang hashtag na #TVGPushMoNaYan, nasa top 1 ng listahan ng trending topics noong linggo.

Sa Facebook naman, umabot na rin sa mahigit sa 5 million views as of writing, ang highlights ng naging performance sa blind auditions ng isa sa mga grupo ng talents na Ayta Brothers mula sa Pampanga.

Habang umabot naman na ngayon sa mahigit two million views ang video ng naging performance ng duo na The Queens.

Ang Ayta Brothers ay pasok sa Team Bilib ng Coach na si Billy Crawford, habang ang The Queens naman ay parte na ngayon ng Parokya ni Chito ni Coach Chito Miranda.

Patuloy na tumutok sa The Voice Generations, tuwing Linggo, 7:00 p.m. pagakatapos ng Bubble Gang.