
Emosyonal ang The Voice Kids coaches na sina Yeng Constantino at Julie Anne San Jose matapos sumabak ang kanilang team sa Knockout Round ng singing competition.
Naunang nag-perform ang team ni Yeng na Yengcredibles noong November 1 at nitong nakaraang Linggo, November 8, naman ang team ni Julie na Julesquad.
Bittersweet moment ito para sa coaches dahil mula sa siyam na kiddie talents, kinailangan nilang mamili ng apat mula sa kani-kanilang teams na mag-a-advance sa next round.
Sa Yengcredibes, pasok sa next round sina Andrea Flores, Antoinette Peñaranda, Calex Sofia Villarin, at Sofia Andrea Paciencia.
Meet the 'Yengcredibles' of 'The Voice Kids'
Ani Yeng sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, "Napamahal na rin po kami sa mga bata, and we are talking about their dreams kaya naman mahirap na we have to let go yung some of them."
Sa Julesquad, pasok sa next round sina Christian Louie Pon, Kara Lopez, Lian Faith Quinsay, at Safhia Chanel Legaspi.
Get to know the kiddie talents of Julesquad on 'The Voice Kids'
Ayon kay Julie, wish niya na sana'y nakasama niya nang matagal ang buong Julesquad.
Ika niya, "Napakabilis lahat ng pangyayari. Sana mas marami pang oras para mas nakilala namin yung mga bata. Lagi kong sinasabi sa kanila kay Coach Gloc-9 saka kay Coach Yeng na never kaming masasanay sa ganitong pakiramdam kasi it's always so painful to let the kids go."
Ngayong Linggo, November 15, ang grupo naman ng OPM rap icon na si Gloc-9 na Team Makata ang sasabak sa Knockouts.
Ayon sa rapper, inihahanda na niya ang kanyang sarili sa elimination. Sabi niya, "Bukod sa napapakinggan mo sila up close, nakikilala mo rin sila personally. Ako do'n ako nag-e-enjoy pero habang ginagawa ko yung mentoring, do'n ko na nare-realize na medyo mahirap na 'to pagdating ng Knockouts."
Panoorin ang buong ulat sa video sa ibaba.
Mapapanood ang The Voice Kids ngayong Linggo, November 15, sa oras na 7:15 p.m. sa GMA at GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
RELATED FEATURE: 'The Voice Kids' welcomes new coaches, journey host for exciting new season