
Ipinakilala na ang apat na grand finalists na maglalaban-laban sa The Voice Kids sa live finale nito sa Linggo, December 14.
Bawat coaches ay may tigi-tigisang pambato at ito ay sina Yana Goopio ng Team Bilib, Marian Ansay ng Julesquad, Sofia Mallares ng Project Z, at Giani Sarita ng BenKada.
Maging ang kanilang coaches ay excited na sa nalalapit na grand finals.
Ani Zack Tabudlo, "Kami ni Sofia po sobrang excited and kinabahan kasi first time namin parehong sasabak sa finals. Ako, before po kasi no'ng nag-The Voice po ako no'n, 'di ako nakaabot ng finals, hanggang battles lang ako. Ibang experience po kaya very excited kami pareho."
Ayon sa pambato niyang si Sofia, na binansagang "Kween Birit ng Pasig," favorite part niya ng kompetisyon ang pagiging friends nila ng kapwa niya finalists at ang coaching sessions nila ng kanyang mentor.
Very optimistic naman sina Paolo at Miguel ng Ben&Ben sa talento ng kanilang mentee na si Giani, na binansagang "Theater Bae ng QC."
Ayon sa coach duo, "I think yung qualities ni Giani ay yung goal namin no'ng simulang simula. Sa BenKada, siya yung nag-e-embody no'n e which is kakaiba s'\iya. Kakaiba 'yung taglay niyang musicality, 'yung taglay niyang vocal quality, at saka 'yung overall energy n'\iya bilang performer. Naiiba talaga siya."
Thankful si Giani sa mga pangaral ng kanyang mentors. Aniya, "Ang natutunan ko po sa coach ko is mostly about life and also na rin po sa pagkanta, about feeling the song."
Gaya ng ibang coaches, all praise din si Julie Anne San Jose sa kanyang mentee na si Marian--ang "Rizz Singer ng Bicol" ng The Voice Kids.
Papuri ni Julie kay Marian, "Since day one, siya yung sobrang consistent at talagang eager talaga siya to learn and listen, and sobrang hardworking niya na bata."
Bukod sa kanyang coach, malaki raw ang impluwensya kay Marian ng kanyang kuya na si Kapuso Heartthrob Allen Ansay na nagturo sa kanya na maging determinado.
Ika ni Marian, "Pag may dream ka po, 'di ka dapat mag-give up kasi pangarap mo 'to. Kailangan matupad yon."
Samantala, halos hindi na makatulong si Yana, na binansagang "Vibin' Diva ng Bicol," sa sobrang excited. Sabi niya, "Sobrang kinakabahan po ako kasi isa lang po yung magcha-champion sa 'min."
Lahat ng finalists ay deserving manalo, kaya pinapaubaya na ng kanyang coach na si Billy Crawford ang desisyon sa taumbayan.
Sambit niya, "Abangan na lang natin kung sino ang magwawagi, kung sa Team Bilib ba manggagaling. I just wanna say it's gonna be a good, fun, clean competition and I'm excited."
Mapapanood ang live finale ng The Voice Kids sa Linggo, December 14, 7:00 p.m. pagkatapos ng Bubble Gang sa GMA.
Para makaboto, kailangang mag-log in sa GMANetwork.com o GMA mobile app. Bawat Kapuso account ay maaaring bumoto hanggang 10 beses.
Kung ikaw ay wala pang account, mag-register dito.
SAMANTALA, BALIKAN ANG WINNING MOMENTS NG REIGNING THE VOICE KIDS CHAMP NA SI NEVIN GARCENIEGO SA GALLERY NA ITO: