What's on TV

'The Voice Kids' coaches, ready nang makilala ang Pinoy young talents

By Jimboy Napoles
Published August 20, 2024 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Greek firefighters deliver Christmas gifts to the Aghia Sofia Children's Hospital
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

The Voice Kids


Malapit nang mapanood ang pinakabagong 'The Voice Kids' sa GMA.

Handa na ang superstar coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell, at Pablo na kilatisin ang young talents na sasali sa pinakabagong The Voice Kids sa GMA.

Sa panayam ni Nelson Canlas sa apat na coaches para sa 24 Oras, sinabi ni Billy na excited na siyang makilala ang mga batang Pinoy na sasalang sa singing competition.

“Kids are something that are really, really close to me since Amari is a kid. So parang I would love to see the fresh new talent that we have. We have the best singers in the Philippines,” ani Billy.

Mula sa pagiging contestant din noon sa Popstar Kids, baon naman daw ni Julie ang kaniyang mga natutuhan sa mga kompetisyon upang maituro sa kaniyang mga makukuhang batang singers.

Aniya, “Iba kasi 'yung trainings sa amin before kumpara siguro sa training ngayon. Siguro mas collaborative kasi ngayon. I think 'yun din 'yung advantage sa generation [ngayon].”

Handa na rin ang new coach na si Pablo sa kaniyang duty na turuan ang mga Pinoy kids na bubuo sa kaniyang team.

“Pinaka-challenge sa coaches ay kumbinsihin 'yung parents. Pero siguro technical din kami kumbaga alam namin kung ano 'yung makakabuti sa bata pagdating sa performance nila,” sabi ni Pablo.

Bukod naman sa performance ng mga batang singer, dapat ding abangan ang masayang kulitan at asaran ng coaches. Ayon kay Stell, mas komportable rin siya ngayon dahil sa nabuo na nilang samahan ng kaniyang fellow coaches.

Kuwento niya, “Kaya rin po ako naging komportable sa The Voice dahil din po kay Kuya Billy kasi nakikita ko sa kaniya na open siyang i-welcome lahat ng tao.”

Mapapanood ang The Voice Kids sa September sa GMA kasama ang host na si Dingdong Dantes.