
Pinangalanan na ang Final 4 contestants na maglalaban-laban sa grand finals ng The Voice Kids na magaganap ngayong Linggo, December 15.
Matapos ang semi-finals round, namili ang superstar coaches na sina Billy Crawford, Pablo, Julie Anne San Jose, at Stell ng kanilang pambato na maghaharap-harap sa live finale. Ito ay sina Wincess Jem Yana ng Team Bilib, Nevin Adam Garceniego ng Tropa ni Pablo, Mark Anthony "Makmak" Punay ng Julesquad, at Jan Hebron Ecal ng Stellbound.
Sa huli, boses ng taumbayan ang mananaig dahil public vote ang tutukoy kung sino ang mananalo sa The Voice Kids.
Para makaboto, siguraduhing may account sa GMANetwork.com o GMA mobile app.
Para sa mga wala pang Kapuso account, maaaring mag-register dito para makasali sa online voting sa GMANetwork.com/TVKVote na magbubukas sa gabi mismo ng grand finals sa December 15.
Tumutok sa The Voice Kids ngayong Linggo, 7:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.