
Mabilis na nag-trending at pinag-usapan ng manonood ang pilot episode ng pinakabagong The Voice Kids sa GMA nitong Linggo, September 15.
Sa X, nasa number 1 spot ng Philippine trends ang official hashtag ng programa para sa kanilang premiere episode na #TVKIWantYou.
Sa unang episode ng nasabing singing competition, napanood agad ang masayang banter ng host na si Dingdong Dantes kasama ang superstar coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell, at Pablo.
Nasaksihan din sa unang blind auditions ang pangmalakasang performances ng young Pinoy talents.
Ang team ni Coach Julie na Julesquad, nakapag-recruit agad ng dalawang young singers na sina Wincess Yana, at Johnbert Desoy Tirao.
May tig-isang buena manong miyembro naman ang team Stellbound, at team Tropa ni Pablo, nina Coach Stell at Coach Pablo.
Nakuha ng team Stellbound si Jan Hebron Ecal, habang naligawan ng team Tropa ni Pablo ang nag-trending na batang singer mula sa Cebu City na si Mark Anthony Punay.
Dahil kasi sa galing ni Mark o Mak Mak, napaikot niya ang tatlong coaches Coach Billy, Coach Julie, at Coach Pablo, maliban kay Coach Stell.
Matapos ang matitinding panliligaw ng tatlong umikot na coaches kay Mak Mak, napahalakhak ang lahat nang ang piliin pa rin nitong coach ay si Coach Stell.
Ang eksenang ito, agad na nag-viral at pinag-usapan online.
Subaybayan ang The Voice Kids, tuwing Linggo, 7:00 p.m. sa GMA!
RELATED GALLERY: GMA's 'The Voice Kids' holds grand media conference