
Inihahandog ng GMA Network Inc. at Viva Communications Inc. ang game show na minahal sa Amerika hatid ng Endemol at ngayon ay magbibigay saya sa bawat Kapuso tuwing Linggo --- ang The Wall Philippines!
Simula Agosto ay mapapanood na sa GMA ang Philippine edition ng The Wall kasama ang isang sikat at award-winning TV host na napanood din noon sa GMA.
Bukod sa bigating host, masasaksihan din sa game show ang paglalaro ng celebrity tandem tuwing Linggo na highlight ang state-of-the-art 40-foot wall.
Ang kanilang galing sa pagsagot sa iba't ibang mind-blowing questions at direksyon ng bola sa money bins ang magdidikta ng kanilang makukuhang premyo na pwedeng umabot hanggang 10 million pesos.
Ang life-changing moments ng celebrity players, abangan sa The Wall Philippines, ngayong Agosto na sa GMA.
Tutok lang sa GMANetwork.com para sa updates.