
Ilang linggo matapos ang pagsisimula ng bagong game show sa GMA na The Wall Philippines kasama ang multi-talented host na si Billy Crawford, nahuli agad nito ang kiliti ng mga Kapuso dahil isa na ito sa pinaka-tinututukang palabas sa telebisyon tuwing Linggo.
Patunay dito ang mataas na ratings na nakukuha ng naturang programa at trending episodes na laging pinag-uusapan online.
Noong Linggo, September 18, tumabo sa 4.5 percent ang ratings ng show na mas mataas kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations base sa preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings.
Sa episode na ito napanood ang paglalaro ng magkaibigan at dating First Lady stars na sina Sanya Lopez at Kakai Bautista kung saan nakapag-uwi sila ng PhP1,144,935.
Sa susunod na Linggo, sino kaya ang magiging milyonaryo?
Panoorin ang The Wall Philippines kasama si Billy tuwing Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.
SILIPIN NAMAN ANG MGA LARAWAN NG MASAYANG PAMILYA NG THE WALL PHILIPPINES HOST NA SI BILLY SA GALLERY NA ITO: