GMA Logo The Witchs Diner
What's Hot

The Witch's Diner: Chae Jong-hyeop is Nam Ji-hyun's leading man on 'The Witch's Diner'

By EJ Chua
Published May 25, 2022 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile votes in presidential race expected to lurch country to the right
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

The Witchs Diner


Chae Jong-hyeop, bibida rin sa pinakabagong Korean dark fantasy series na mapapanood sa GMA-7.

Sa darating na Lunes, May 30, mapapanood na sa GMA ang panibagong Korean drama na inihahandog ng Heart of Asia.

Ito ang The Witch's Diner, ang dark fantasy drama series na pagbibidahan ng kilalang Korean stars na sina Song Ji-hyo, Nam Ji-hyun, at ang aktor na si Chae Jong-hyeop.

Si Chae Jong-hyeop ay kilala ng maraming K-drama fans dahil sa mabibigat na roles na ginampanan niya sa iba't ibang series.

Isa na rito ay ang hit Netflix Korean drama series na Nevertheless.

Ngayong 2022, mapapanood si Chae Jong-hyeop sa Philippine television bilang si Leo, ang makakatambal ni Jinny (Nam Ji-hyun).

Siya rin ay gaganap bilang atleta sa kanilang eskwelahan at part-timer naman sa restaurant na Witch's Diner na pagmamay-ari ni Hera (Song Ji-hyo).

Sa pagpasok niya bilang waiter sa restaurant na puno ng hiwaga, anu-ano kaya ang mababago sa kaniyang buhay?

Magkakaroon nga ba ng katuparan ang kaniyang mga kahilingan?

Abangan ang kaniyang kuwento sa nalalapit na premiere ng The Witch's Diner sa GMA Telebabad, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. at 10: 35 p.m. naman tuwing Biyernes.

Samantala, tingnan ang top 10 trending K-dramas na minahal ng mga Pinoy noong taong 2021 sa gallery na ito: