GMA Logo The Witch's Diner
What's Hot

The Witch's Diner: Nam Ji-hyun, mapapanood sa 'The Witch's Diner'

By EJ Chua
Published May 24, 2022 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

The Witch's Diner


Isa sa fastest-rising Korean stars, bibida sa dark fantasy Korean drama series na 'The Witch's Diner.'

Ilang araw na lang at mapapanood na sa GMA Network ang panibagong Korean drama na inihahandog ng Heart of Asia para sa mga Kapuso!

Ito ang The Witch's Diner, ang programang magbibigay hiwaga sa bawat tahanan ng mga manonood.

Isa sa mga bibida rito ay ang Korean actress na si Nam Ji-hyun.

Si Nam Ji-hyun ay unang napanood sa GMA noong 2017 sa Korean mystery series na Girl Detective Park Hae-Sol.

Sa pinakabagong series naman na malapit nang ipalabas sa Kapuso Network, mapapanood siya bilang si Jinny, ang Witch's Diner restaurant employee.

Siya ang maging katuwang ni Hera (Song Ji-hyo) sa pamamalakad ng restaurant kung saan magkakaroon ng oportunidad ang mga customer nila na humiling para sa kanilang pangarap, pamilya o kaya naman ay tungkol sa pag-ibig.

Makakatambal niya rito ang Korean actor na si Chae Jong-hyeop.

Anu-ano kaya ang mangyayari sa kaniyang buhay?

Sinu-sino ang kaniyang makakasalamuha?

Sabay-sabay nating subaybayan ang magiging role ni Jinny Nam Ji-hyun sa The Witch's Diner.

Samantala, tingnan ang top 10 trending K-dramas na minahal ng mga Pinoy noong taong 2021 sa gallery na ito: