
Sa unang linggo ng The World Between Us, nakilala na ni Louie (Alden Richards) ang magkapatid na sina Lia (Jasmine Curtis-Smith) at Brian (Tom Rodriguez).
Unang nakilala ng batang Louie (Izzy Canillo) si Rachel Libradilla (Dina Bonnevie) nang mag-sponsor ito ng isang contest sa kanilang eskwelahan kung saan si Louie ang nanalo.
Nanalo man si Louie, labis naman siyang nalungkot dahil hindi nakapunta ang kanyang inang si Clara (Glydel Mercado) sa awarding ceremony dahil naaksidente ito habang tumatawid.
Naisugod sa ospital si Clara pero tuluyan na rin itong binawian ng buhay. Imbis na mapunta sa pangangalaga ng gobyerno ni Louie, kinupkop na lang siya ni Rachel at pinatira sa bahay nila.
Sa bahay ng mga Libradilla, nakilala ng batang Louie ang mga anak ni Rachel na sina Lia (Shanelle Agustin) at Brian (Will Ashley).
Sa una ay hindi magkasundo sina Louie at Lia dahil si Louie ang dahilan kung bakit nahulog sa kanal ang cellphone ni Lia na puno ng alaala ng kanyang ama.
Naging mabuti naman ang pagsasama nina Louie at Lia nang malaman ni Lia ang hinanakit ni Louie nang sundan niya ito sa puntod ng kanyang ina.
Dahil dito, nagkaroon ng fresh start ang samahan nila dalawa.
Habang lumalapit ang loob nina Louie at Lia sa isa't isa, lumayo naman ang loob sa kanila ni Brian.
Napapansin kasi ni Brian na higit pa sa magkaibigan o magkapatid ang relasyon nina Louie at Lia.
Ano kaya ang mangyayari kina Louie, Lia, at Brian ngayong malalaki na sila?
Patuloy na panoorin ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, kilalanin ang iba pang mga bida ng The World Between Us dito: